
BLOOD LETTING ACTIVITY para sa Komunidad
Isinulat ni: Joanna Marie B. Orbe
Matagumpay na isinagawa ng Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag (BTECH), katuwang ang Rural Health Unit (RHU) ng Lungsod ng Baliwag at Philippine Red Cross, ang BLOOD LETTING ACTIVITY na may temang “Proyektong Sagip Buhay, Handog na Dugo Mula sa Pamayanang Nagkaka-isa.” Ang proyekto ay isinagawa noong Agosto 13. 2025 sa Baliwag Star Arena, Barangay Pagala, Lungsod ng Baliwag, Lalawigan ng Bulacan.
Ang isinagawang Blood Letting Activity ay may pangunahing layuning makapagbigay ng agarang suporta sa patuloy na pangangailangan ng ating mga pasilidad pangkalusugan para sa ligtas at sapat na suplay ng dugo. Higit pa rito, layunin ng aktibidad na palawakin ang kamalayan ng mga BTECHenyo hinggil sa kahalagahan ng regular na pagdo-donate ng dugo at ang positibong epekto nito hindi lamang sa mga tatanggap kundi maging sa mismong donor.
Sa sama-samang pagkilos, malasakit, at boluntaryong pagtulong, nakalikom ang programa ng 136 na mga bag ng dugo, na karamihan ay mula sa mga mag-aaral at kawani ng dalubhasaan. Ang tagumpay na ito ay patunay ng pagkakaisa at malasakit ng bawat BTECHenyo para sa kaligtasan at kalusugan ng bawat isa.



