Back

BTECH, NAKIISA SA ZONAL ORIENTATION NG CHED PARA SA BAGONG PATAKARAN SA MGA OFF-CAMPUS ACTIVITIES

Isinulat ni: Irving Q. Bautista


LUNGSOD NG BALIWAG, BULACAN – Matatag na nagpahayag ng pakikiisa ang Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag (BTECH) sa mga bagong reporma para sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagdalo sa Zonal Public Orientation para sa CHED Memorandum Order (CMO) No. 24, Series of 2026, na pinamagatang LAKBAY (Enhanced Guidelines for the Local Off-Campus Activity for Student Knowledge, Well-Being and Accessible Learning Opportunity).

Ang nasabing mahalagang pagtitipon ay ginanap noong ika-27 ng Oktubre 2026 sa Best Western Plus Metro Clark, MacArthur Highway, Balibago, Lungsod ng Angeles, Pampanga.

Kinatawan ang BTECH ng Tanggapan ng mga Serbisyong Pangpapaunlad ng mga Mag-aaral sa pangunguna nina Gng. Ma. Theresa Z. Carpio, Tagapamahala ng mga Gawaing Pangpapaunlad ng mga Mag-aaral, at G. Irving Q. Bautista, Tagapamahala ng Pagdidisiplina sa mga Mag-aaral. Ang kanilang pagdalo ay isinagawa alinsunod sa direktiba at tagubilin ng pinuno ng nasabing tanggapan, si G. Emerson C. Perez at mga pinuno ng Dalubhasaan na sina Dr. Aida S. Ramos, Pangalawang Pangulo sa Pang-Akademiko at Pananaliksik at Abogado Robert John I. Donesa, Tagapangasiwa at Pangulo ng Dalubhasaan.

Larawan mula sa CHED Regional Office III Facebook Page

Tinalakay sa oryentasyon ang mga pinahusay na alituntunin at patakaran ng Commission on Higher Education (CHED) upang mas mapatatag, maprotektahan, at matiyak ang kapakanan ng mga mag-aaral sa bawat Mas Mataas na Institusyong Pang-edukasyon (Higher Education Institutions o HEIs). Saklaw ng mga bagong gabay na ito ang maayos na pag-oorganisa ng mga gawaing ginaganap sa labas ng kampus (off-campus activities), maging ito man ay may kinalaman sa kurikulum o mga gawaing ekstrakurikular.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok na ito, patuloy na pinatitibay ng BTECH ang dedikasyon nitong sumunod sa mga pambansang pamantayan habang inuuna ang kaligtasan at kapakinabangan ng humigit-kumulang na komunidad ng mga mag-aaral nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *