
Nationwide Simultaneous Earthquake Drill
Isinulat ni: Ma. Theresa Z. Carpio
Noong Nobyembre 6, 2025, ganap na alas-9:00 ng umaga, isinagawa ang ika-apat na quarter na National Simultaneous Earthquake Drill sa Dalubhasang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag bilang bahagi ng kanilang patuloy na kampanya sa kahandaan sa panahon ng lindol at iba pang kalamidad. Ang aktibidad ay pinangunahan ni Nurse Paul Anthony P. Valeroso, Punong Nars ng Klinika, katuwang si Engineer Precioso Donato Punzalan, Pinuno ng Tanggapan ng Pangkalahatang Serbisyo. Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral at kawani sa tamang pag-uugali at proseso upang mapanatili ang kaligtasan sa oras ng sakuna.
Bago ang pagsasagawa, nagkaroon ng masusing paghahanda ang administrasyon at mga guro kabilang na ang pagpupulong, pagpapakalat ng impormasyon, seminar ukol sa “Drop, Cover, and Hold,” at pagsusuri sa mga pasilidad upang masiguro ang kaligtasan. Nagsimula ang drill sa pamamagitan ng pagtunog ng alarma, kung saan agad na nagsagawa ang lahat ng kalahok ng “Drop, Cover, and Hold” upang mapanatili ang kanilang kaligtasan. Sumunod dito ang maingat na paglikas sa evacuation site sa parking area ni Kongresman Pancho, kung saan nagkaroon ng bilang at pagtanggap upang masiguro na walang naiwang tao.
Sa pagtatapos, nagkaroon ng pagtitipon upang suriin ang proseso at magbahagi ng obserbasyon. Napansin na mahusay ang pagsunod sa protocol ngunit may ilang kakulangan sa personal na gamit at kalinisan. Bagamat naging matagumpay ang aktibidad, pinaigting pa rin ang kahalagahan ng regular na pagsasanay at pagsusuri sa mga plano sa kaligtasan. Ipinapahayag na ang ganitong uri ng drill ay mahalaga upang mapanatili ang kahandaan ng buong komunidad sa harap ng mga sakuna sa hinaharap.



