NO POVERTY
The Baliwag Polytechnic College strives to tackle poverty in the community, particularly in the city and surrounding towns. It believes that poverty is not caused by a shortage of money, but by deeper issues such as the lack of job opportunities, especially the absence of free education. The Institute hopes to address this through free education and public services that will help with livelihoods and other needs of each family.
ZERO HUNGER
The institution, which serves as a second home for students, aims to emphasize the importance of nutrition for overall well-being. It also plays a role in educating about increasing food production through initiatives focused on food sustainability. The institution believes that every student has the potential to offer solutions and help reduce hunger in the community. By nurturing both intellectual and physical growth, the institution empowers students to meet the needs of others.
GOOD HEALTH AND WELL-BEING
Focusing on the overall health of each individual, encompassing both physical and mental well-being, is crucial. The institution believes that a person can fully realize their potential and achieve excellence when their body and mind are in good health. Throughout the recent pandemic, the institution demonstrated resilience by quickly responding to ensure all staff and officials received vaccines. Additionally, programs and activities continued to meet the community’s needs through the relevant office.
QUALITY EDUCATION
A comprehensive way to enhance society’s living conditions is by offering quality education to every student. The institution places greater emphasis on this aspect, especially since its goal is to uplift the lives of every family on the margins of society. To enhance excellence and wisdom, the Baliwag Polytechnic College continues to collaborate with various agencies, whether private or government. It continues to develop with the help of its partner distinguished universities in the Philippines. Alongside this, the Community College offers various programs. The institution has strengthened its commitment to education through unique courses that can greatly help in improving the living conditions of individuals.
GENDER EQUALITY
The institution places great value on each individual. Its goal is to provide equal opportunities and rights for all, regardless of gender. As support, the institution ensures that every activity it launches offers equal opportunities and importance to all genders, so that each individual can further enhance their skills and abilities.
CLEAN WATER AND SANITATION
The presence of clean water flowing continuously within the institution brings energy and vitality to every student. The institution aims to ensure that all staff and students have access to clean and sufficient water sources. There is a strong encouragement to conserve and use water properly. In line with this, the institution collaborates with both private and public offices to launch large-scale initiatives that promote the value of a safe environment and clean water, which will not only benefit the institution but also the community.
AFFORDABLE AND CLEAN ENERGY
The institution prioritizes equipping students with adequate knowledge about accessible and clean energy. Its objective is to provide education to everyone through a dependable energy system, while also advocating for the preservation of the environment, nature, and the economy. The institution strives to advance in the use of energy resources, alongside the growth of technology and the economy, and take a leading role in the ongoing dissemination of knowledge on the subject.
DECENT WORK AND ECONOMIC GROWTH
The institution greatly appreciates the contributions of both its staff and students who show excellence and commitment. As it continues to evolve, the institution strengthens its efforts to improve students’ skills and address the needs of its staff. It ensures that everyone has opportunities for growth by supporting their career development. Furthermore, the institution remains compliant with government laws and standards. The significance of offering internships or training programs in various private companies is also highlighted, providing students with the chance to enhance their skills and advance toward a successful future.
INDUSTRY INNOVATION AND INFRASTRUCTURE
In order to enhance the community, it is acknowledged that the infrastructure is operating effectively and fulfilling its requirements. It is crucial that it encourages innovation that can adapt to evolving circumstances. Currently, the community is undergoing sustained growth, which also contributes to the improvement of their living conditions. People are learning to collaborate with others, fostering the development of new skills, industries, and technologies. The institution remains committed to advancing knowledge through the introduction of innovative programs.
REDUCED INEQUALITIES
The institution goes beyond simple effort by providing abundant and equal opportunities for all staff and students through innovations and improvements in its activities and academic programs. By offering free education, it ensures that it is available to everyone, regardless of their life circumstances, gender, or social status. This approach fosters a safe and harmonious environment, promoting equality. The institution is open to all
individuals who wish to take advantage of the courses it offers.
SUSTAINABLE CITIES AND COMMUNITIES
As an academic community committed to change and progress, the institution strives to support the community through activities that improve the well-being of every family. This includes offering innovative programs and initiatives through the Office of Community College. Furthermore, the institution is dedicated to preserving the cultural heritage and traditions of Baliwag City, ensuring that future generations will have the chance to experience and appreciate them.
RESPONSIBLE CONSUMPTION AND PRODUCTION
Similar to a home that nurtures everyone, the institution seeks to instill in each student the responsibility of caring for the environment. It aims to serve as a community steward by leading through example in maintaining cleanliness, using water and energy wisely, and managing other resources. The objective is to foster this mindset, ensuring that all resources are seen as a shared responsibility to promote ongoing development.
CLIMATE ACTION
Recognizing the changes in the climate and environment, the institution has taken swift action. As the city’s population grows, the expanding infrastructure is bringing about changes in the community. Committed to promoting a better future, the institution is dedicated to equipping students with the knowledge and skills they need to make lasting
and impactful contributions to the community.
LIFE BELOW WATER
The institution is committed to the global effort of preserving the cleanliness and security of water resources. To support this, it has created several programs designed to increase students’ awareness and enhance their efforts in safeguarding marine life. Additionally, the institution aims to encourage active and meaningful involvement from all community members in the area’s development.
LIFE ON LAND
Aligned with the objective of preserving land resources, the institution plays a significant role in fostering the growth of terrestrial resources. This is achieved through the ongoing planting of different types of plants and trees throughout the campus. Moreover, there is a strong focus on safeguarding the land from harmful chemicals that could cause harm. As a result, students are becoming more aware of the proper ways to care for and manage the land. The institution is committed to exploring future actions and initiatives that will help further this important goal.
PEACE JUSTICE AND STRONG INSTITUTIONS
The institution recognizes the importance of raising awareness and providing education to the entire community it serves. As a result, it collaborates in programs that educate all community members, with a particular focus on the leaders of different offices. The institution plays a key role in ensuring that those serving the community deliver improved and more compassionate services.
PARTNERSHIPS FOR THE GOALS
Continuous development will be more effectively achieved through partnerships with agencies and offices that can drive change within the community. It is essential for the institution to align its goals with others in order to address and resolve the town’s challenges. This collaboration, fueled by a strong dedication to progress, will lead to sustainable development for both the community and the institution.
WALANG KAHIRAPAN
Ang Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag ay naglalayon na bigyang kalutasan ang kahirapan sa komunidad, higit lalo sa lungsod at karatig bayan nito. Nakikita nito na hindi ang kakulangan o kakapusan sa pera ang sanhi ng kahirapan kung hindi ang mga sanhi nito, tulad ng kawalan ng oportunidad sa trabaho, higit lalo sa libre na edukasyon. Inaasam ng Dalubhasaan na malutas ito sa pamamagitan ng libreng edukasyon at mga serbisyong publiko na makakatulong sa kabuhayan at iba pang mga pangangailangan ng bawat pamilya.
WALANG PAGKAGUTOM
Bilang pangalawang tahanan ng bawat mag-aaral, layunin ng institusyon na bigyang-diin ang halaga ng nutrisyon sa kalusugan. Binibigyang-diin din ang pagpapalawig na pagbibigay ng kaalaman ang komunidad tungkol sa pagkakaroon ng masaganang produksyon sa pagkain sa pamamagitan ng mga gawain na may kinalaman sa mga pagbabago sa pagkain. Naniniwala ang Dalubhasaan na ang bawat isang mag-aaral ay may kakayahang bigyang-solusyon at ibsan ang gutom sa komunidad. Ang Dalubhasaan ay nagbibigay ng ningas sa kanilang kakayahan upang matugunan ang pangangailangan sa pamamagitan ng paglinang sa kaisipan at pangkatawang kaunlaran ng bawat indibidwal.
MABUTING KALUSUGAN AT MAAYOS NA PAMUMUHAY
Mahalaga na inaayos ang kabuuang kalusugan ng bawat indibidwal, ito man ay sa pangangatawan o kaisipan. Naniniwala ang Dalubhasaan na maipamamalas ng isang tao ang kanyang buong kakayahan at kahusayan kung malusog ang kanyang pangangatawan at kaiisipan. Nitong nakaraang pandemya, nanatiling matatag ang Dalubhasaan sa pamamagitan ng mabilis na pagtugon upang mabigyan ng bakuna ang bawat kawani at mga opisyal nito. Tuloy tuloy din ang mga programa at gawain na tutugon sa bawat pangangailangan ng komunidad sa pamamagitan ng tanggapang
nauugnay dito.
MAY URING EDUKASYON
Isang ganap na paglutas upang mapabuti ang kalagayan ng buhay ng lipunan ay ang pagbibigay ng isang may uring edukasyon sa bawat isang kabataan. Higit na pagpapahalaga ng Dalubhasaan sa aspeto nito lalo’t hangarin ng institusyon na maitaas ang buhay ng bawat isang pamilya na nasa laylayan ng lipunan. Upang mapaigting ang kahusayan at karunungan, ang Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya, pribado o gobyerno man. Patuloy itong umuunlad sa tulong ng katuwang na natatanging pamantasan sa Pilipinas. Kaagapay nito ang iba’t ibang gawaing handog ng Kolehiyong Pampamayanan. Mas pinaigting ng Dalubhasaan ang pagbibigay ng edukasyon sa pamamagitan ng mga natatanging kursong higit na makakakatulong sa pagbabago ng kalagayan ng buhay.
PAGKAKAPANTAY-PANTAY NG KASARIAN
Malaki ang pagpapahalaga ng Dalubhasaan sa bawat indibidwal. Nilalayon ng institusyon na mabigyan ang lahat ng pantay na oportunidad at karapatan, anuman ang kasarian. Bilang suporta, tinitiyak ng Dalubhasaan na ang bawat gawain na inilulunsad ay may pagbibigay ng parehong pagkakataon at importansya sa anumang kasarian upang ang bawat indibidwal ay higit na mas mapaigting ang kanilang kasanayan at kakayahan.
MALINIS NA TUBIG AT KAPALIGIRAN
Masigla at may buhay ang bawat isang mag-aaral kung patuloy ang pagdaloy ng malinis na tubig sa Dalubhasaan. Hangad ng Institusyon na magkaroon ng malinis at may sapat na mapagkukuhanan ng tubig ang bawat kawani at mag-aaral ng Dalubhasaan. Malaki ang paghihikayat sa pagtitipid at paggamit nang wasto sa tubig. Kaugnay nito ay ang pakikipag-ugnayan sa mga pribado at pampublikong tanggapan upang makapaglunsad ng malakihang gawain sa pagpapahalaga ng ligtas na kapaligiran at kalinisan ng tubig na di lamang makakatulong sa Dalubhasaan kundi pati na rin sa komunidad.
ABOT-KAYA AT PATULOY NA DALOY ENERHIYA
Binibigyang halaga ng Dalubhasaan na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag- aaral patungkol sa abot-kaya at malinis na enerhiya. Hangad ng institusyon na mabigyan ng edukasyon ang lahat sa isang maaasahang pagpapadaloy ng enerhiya katuwang ang pangangalaga sa kapaligiran, kalikasan, at ekonomiya. Nilalayon ng Dalubhasaan na kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya at ekonomiya ay ang pag-unlad din ng institusyon sa paggamit ng mapagkukuhanan ng enerhiya at manguna sa pangangalaga ng tuloy- tuloy na daloy ng kaalaman tungkol dito.
DISENTENG TRABAHO AT MAUNLAD NA EKONOMIYA
Malaki ang pagpapahalaga ng Dalubhasaan sa bawat gampanin ng isang kawani gayundin sa mga mag-aaral na nagpapamalas ng kahusayan at dedikasyon. Sa patuloy na pag-unlad ng Dalubhasaan, patuloy din na pinaiigting ang kasipan ng mag-aaral na mapabuti ang kasanayan ng bawat isa, at mabigyan ng kumpleto at sapat na pangangailangan ang mga kawani. Tinitiyak din ng institusyon na ang bawat isa ay mabibigyan ng oportunidad sa pag-unlad sa pamamagitan ng pagbanghay sa tatahaking landas ng kanilang karera. Gayundin, sinisigurado na sumusunod ang institusyon sa batas at pamantayan ng pamahalaan. Binibigyan importansya din ang kahalagahan ng pagbibigay ng “Internship” o pagsasanay ng mga mag-aaral sa iba’t ibang pribadong kumpanya sa anumang larangan upang mabigyan ang bawat indibidwal na mapaghusay ang kanilang mga kakayahan para sa kanilang pagsulong sa kanilang hinaharap.
INDUSTRIYA, PAGBABAG AT IMPRAISTRUKTURA
Upang higit na maisaayos ang komunidad, kinikilala na ang impraistruktura ay maayos na gumagana at natutugunan ang pangangailangan nito. Mahalaga na ito ay nagsusulong ng inobasyon na kayang makibagay sa pagbabago ng panahon. Sa pagkakataong ito, ang komunidad ay nagkakaroon ng patuloy sa pag-unlad upang mabigyan ng tuluyan ding pag-unlad sa kanilang kabuhayan. Natututo ang bawat isa na makapag-ugnayan sa kapwa na tumutulong upang makabuo ng panibagong kakayahan, industriya at teknolohiya. Ang Dalubhasaan ang patuloy na nagpapaigting ng kaalaman sa pamamagitan ng mga makabagong programa na kasalukuyang inilulunsad.
PAGBAWAS SA KAWALAN NG PAGKAKAPANTAY-PANTAY
Higit sa pagsusumikap ang inihahandog ng Dalubhasaan upang mabigyan ng sapat at pantay na oportunidad ang bawat kawani at mag-aaral sa pamamagitan ng mga ginawang inobasyon at pagbabago sa mga gawain at programang pang-akademiko. Sa pagkakaroon ng institusyon ng libreng edukasyon, mariin na tinutugunan na ito ay para sa lahat, anumang antas ng buhay, kasarian at estado ng buhay. Sa mithiing ito, nabibigyan ang bawat isa ng ligtas at matiwasay na kapaligiran at naiiwasan ang hindi pagkakapantay-pantay. Ang tahanan ng Dalubhasaan ay bukas para sa lahat ng gustong makinabang sa mga inihahandog na mga kurso nito.
MAUNLAD NA MGA LUNGSOD AT PAMAYANAN
Bilang isang akademikong pamayanan na nagsusulong sa pagbabago at pag-unlad, hinahangad ng Dalubhasaan na matulungan ang komunidad sa pamamagitan ng mga kapakipakinabang na gawain na mag-aangat sa kabuhayan ng bawat isang pamilya. Isa rito ang pagbibigay ng mga makabagong programa at inobasyong handog ng Tanggapan ng mga Gawaing Pampamayanan. Bukod rito, ang layunin ng Dalubhasaan na mapreserba ang yamang kultura at tradisyon ng Lungsod ng Baliwag na inaaasahang mabibigyan ng pagkakataong makita pa at maranasan ng susunod na henerasyon.
RESPONSABLENG PAGKONSUMO AT PRODUKSYON
Tulad ng tahanang umaaruga sa bawat isa, layunin ng Dalubhasaan na turuan ang bawat isang mag-aaral na maging responsable sa pangangalaga sa kapaligiran. Hangad nito na maging isang katiwala ng komunidad sa pamamagitan pagiging ehemplo sa kalinisan, wastong paggamit ng tubig at enerhiya, at iba pang pag-aaring yaman. Layunin na ito ay maisapuso at isipan at tingnan na bawat bagay ay responsableng pag-aari para sa ikasusulong ng patuloy na pag-unlad.
AKSYONG PANGKLIMA
Mulat sa mga pagbabagong nagaganap sa klima at kapaligiran, kagyat na aksyon ang sinimulan ng Dalubhasaan. Sa pagdami ng populasyon sa Lungsod ay unti-unti ring dumarami ang impraistrukturang nagiging sanhi ng mga pagbabago sa komunidad. Bilang isang institusyon na nagsusulong sa maayos na kinabukasan, nakatuon ang Dalubhasaan na ihanda ang mga mag-aaral na maging maalam at mahusay sa kasanayan upang makapagbigay ng matatag at tuloy-tuloy na kontribusyon sa komunidad.
BUHAY AT YAMANG DAGAT
Kaagapay ang Dalubhasaan sa pandaigdigang misyon sa pagpapanatili sa kalinisan at seguridad sa yamang tubig. Bilang pagpapanatili, inihanda ng Dalubhasaan ang iba’t ibang programa na magbubukas sa kamalayan ng bawat mag-aaral ng institusyon upang higit na mapangalagaan ang ang buhay ng yamang dagat. Layunin din na maging makahulugan ang partisipasyon ng bawat isa sa komunidad sa ikauunlad ng pamayanan.
BUHAY AT YAMANG LUPA
Kaugnay ng layunin sa buhay ng yamang lupa, naging mahalagang gampanin ng Dalubhasaan ang pagpapayabong sa yamang lupa. Pinahihitik ang yamang lupa sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman at puno sa loob at labas ng kampus. Dagdag dito ay ang pagpapahalaga sa lupa laban sa mga kemikal na maaaring makapinsala dito. Sa pamamagitan nito ay higit na natuturuan ang bawat mag-aaral sa kanilang kamalayan sa tamang pangangalaga ng lupa at pagsasaayos nito. Binibigyang-halaga ng institusyon ang mga susunod na hakbangin at gawain na maaaring ipatupad sa ikaaayos ng layuning ito.
KAPAYAPAAN, KATARUNGAN AT MATATAG NA MGA INSTITUSYON
Mahalaga sa Dalubhasaan na mabigyan ng sapat na kamalayan at edukasyon ang buong komunidad na pinaglilingkuran, kung kaya’t kabalikat ang institusyon sa mga programang makapagbibigay ng dunong sa bawat miyembro ng komunidad, lalo’t higit sa mga pinuno ng tanggapan. Ang Dalubhasaan ang pumapagitna upang maging mahusay ang bawat naglilingkod sa bayan upang makapagbigay ng mas maayos na serbisyong may malasakit.
PAGTUTULUNGAN PARA SA MGA ADHIKAIN
Higit na magiging matagumpay ang layunin sa hangarin para sa patuloy na pag-unlad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ahensya at tanggapan na makapagbibigay ng pagbabago sa komunidad. Malahaga sa Dalubhasaan na may mga kaparehong layunin upang matugunan at masolusyunan ang suliranin ng bayan. Ang pakikipagugnayang ito na may masidhing layunin sa pagbabago ang makapagbibigay ng sostenibleng pag-unlad sa pamayanan at Dalubhasaan.